Lakbay sa Kinabukasan

1file

(Kaliwa papuntang kanan: Jorge Tiu, Paticia Buenafe, Crystalyn Anni, at Ashley Coting. Wala dito si Elaine Arguelles ngunit siya naman ay nakapagbigay ng sapat na tulong sa paggawa ng photo blog)

 

(ARGUELLES)

Nagbukas ang kanilang serbisyo sa pagtuturo ang Southeast Asian Institute for the Deaf (SAID) noong 1974. Nagumpisa ito mula sa dalawang estudyante lamang sa New Manila. Noong 1981 nang lumipat sila sa Dapitan na kung saan nabigyan sila ng permiso na makapasok ng baitang elementarya at hayskul. Noong 1982 naman ay lumipat muli sila sa Maryknoll College o di kaya ay tinatawag ngayon na Miriam College. Tinatawag na ito sa kasalukuyan na MC-SAID (Miriam College Southeast Asian Institute for the Deaf). Hanggang sa naging parte na ng kanilang sistema patungkol sa kanilang edukasyon sa Miriam College ang SAID.

 

2file

(BUENAFE, TIU, CO TING AT ANNI)

Ito ay matatagpuan sa loob ng campus ng nabanggit na kolehiyo. Ngayon pa lang kami nakapunta sa lugar na ito at kung kami ang tatanungin, ang espasyong inilaan para sa institusyon ay sakto at sapat lang. Mapapansin din na ang kapaligiran ay maayos at organisado. Ang kanilang mga silid-aralan, para sa amin, ay sapat lang para sa bilang ng estudyanteng meron sila. Bagama’t komportable naman ang mga estudyante base sa aming pagpunta sa institusyon. Naglalaman ito ng upuan sa bawat klase at aircon sa mga gawain sa lab, mayroon ding mga teknolohiya upang mas maturuan ang mga estudyante. Ang mga batang nasa institusyon ay simula ika-unang baitang hanggang ika-sampu. Ang mga silid-aralan ay maliliit dahil kakaunti lamang ang mga bilang ng mga estudyante dito, higit sa 3 at hindi lumalampas sa 10 bawat baitang. Pero kahit na kaunti lang ang mga estudyante doon, makikita mo sakanila ang pagiging masigla at masiyahin. Hindi naging hadlang para sa mga estudyanteng ito ang kanilang kapansanan. Patuloy pa rin sila sa pagaaral at sa pagsisikap na makapagtapos.

 

3file

(Ang kanilang hallway o corridor)

(BUENAFE)

Kung kaya’t iba ang tuwa na aming nadama noong nakipaginteraksyon kami sa mga batang may kapansanan sa pandinig, mas lalo naming ninais na matuto kung paano mag-sign language upang sa gayon ay magkaunawaan kami dahil mainit kaming tinanggap at binati sa lugar. Ang paligid ay napakapositibo ng dating, pati na rin ang mga taong nandito. Nag-obserba kami sa loob ng silid-aralan ng mga estudyanteng nasa ika-sampung baitang, at kami ay nabilib, dahil noong araw na iyon, sila ay gumagawa ng kanilang prokeyto sa Science, ang periscope, tunay na ang bawat isa ay may angking talento, at ang mga estudyanteng aming naobserbahan ay siyang pruweba nito. Sila mismo ang gumagawa ng proyekto at tinutulungan sila ng kanilang guro, nakita at nahawakan namin ang kanilang gawa, at kami naman ay natuwa at namangha.

(ANNI AT CO TING)

Bukod dito, kami ay nag obserba din sa isa pang baitang kung saan sila ay tinuturuan ng economics. Kami ay nagulat sa klase na ito dahil hindi ganoon kadali ang asignatura na ito na turuin lalo na’t gumagamit pa sila ng ASL pero kahit ganoon, nakaya ng guro na maituro ito at nagkaroon ang mga estudyante ng sapat at wasto na pagkakaintindi at kaalaman tungkol dito. Totoo nga na walang pinipili ang edukasyon. Kaya itong makamit basta’t may tumutulong sayo at sumusuporta at pursigido kang mag-aral.

 

4file.jpg

(Isang parte sa loob ng kanilang silid aralan)

(BUENAFE)

Sa maikling oras at panahon na iyon ay napagtanto namin na ang aming piniling larang ay mahirap at kinakailangan ng labis na sipag at tiyaga, ngunit napakasaya sa pakiramdam kapag nakita ang mga batang ito na natututo at lumalaki bilang isang mabuti at may katuturan na indibidwal.

(ANNI)

Nakita namin na hindi nagkulang ang MC sa mga fasilidad na binibigay nila dahil iniisip nila kung ano ang nakakabuti para sa mga estudyante nila. Sapagkat importante sa kanila ang pagkakaroon ng inclusibong paaralan kaya hindi sila nagkulang para sa SAID.

 

5file.jpg

(BUENAFE AT ANNI)

Ngunit pagkatapos nilang maitayo noong 2007 sa MC sila ay nagkaroon na ng komplikasyon kaya ikinalulungkot naming ibalita na ang eskwelahan na ito ay magsasara na sa susunod na taon. Nagkaroon kami ng maikling paguusap kay Ma’am Therese Kasala kung ano ang dahilan ng pagsasara, at kanyang ipinahayag ay kulang daw ang estudyanteng nag-eenroll kaya’t kulang din ang pondo para ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng institusyon at hindi maabot ang pangangailangan ng mga estudyante at saka, mayroong mga paaralan na tumatanggap ng mga batang may kapansanan sa pandinig na lubos na mas mura at abot kaya ang matrikula.

 

6file.jpg

(Kung saan ginaganap ang kanilang mga general assemby sa eskwelahan)

(ARGUELLES AT TIU)

Marami ang humihingi nang apila na bigyan nang konsiderasyon ang pagpapasara nito. Dahil ang eskwelahan na ito ay nagbigay ng pag-asa sa mga estudyanteng may pangangailangan. Ito rin ang natatanging eskwelahan na mayroong maayos na sistema para sa mga batang may problema sa pandinig. Kaya’t kami, bilang isang minimithing espesyal na guro ay nalulungkot na mayroong espesyal na eskwelahan na magsasara dahil lamang sa kakulangan ng pera.

(BUENAFE)

Nakalulungkot na makarinig ng ganitong pahayag bilang isang magiging guro dahil problema sa pinansyal at pasilidad ang pinag-uusapan, kaya nais namin na mas maraming institusyon o paaralan ang maitayo at maitaguyod para sa mga batang may iba’t-ibang kapansanan. Hiling namin na patuloy itong maitaguyod sa hinaharap, o kung hindi man, sa pagkawala ng isa, ay papalit ang bagong isa. Nawa’y mas dumami pa ang mga SpEd centers o institusyon sa bawat lungsod ng ating bansa.